^

PSN Palaro

Suweldo ng local coaches mas mababa kumpara sa foreign coaches

-
Natuklasan sa ginawang pagdinig ng House Committee on Youth and Sports Development na lubhang maliit ang tinatanggap na sahod ng mga local coaches kumpara sa mga foreign coaches.

Sa kasalukuyan ay nagbabayad ang Philippine Sports Commission (PSC) ng 20 foreign coaches na may buwanang sahod na nagkakahalaga ng $1,000 hanggang $2,500, maliban pa sa allowances at iba pang benepisyo.

Ang pagdinig ay ginawa kaugnay sa House Resolution 307 na inihain ni Rep. Monico Puentebella na humihiling na imbestigahan kung dapat pa bang ipagpatuloy ng PSC ang polisiya nitong pag-iimport ng mga coaches gayong marami naman umanong magagaling na coaches sa bansa.

Layunin din ng resolusyon na itaguyod ang standardization ng suweldo at allowances ng mga atleta at coaches, dayuhan man o local at maging ang training at development ng mga local coaches.

Kaugnay nito, iniutos ng komite sa PSC na gumawa ng guidelines para sa nasabing hiring ng mga foreign coaches na nagsasanay ng mga Pilipinong manlalaro.

Sinabi naman ni dating PSC Chairman Carlos Tuason na ang pagkuha sa mga dayuhang tagapagsanay ay matagal nang ginagawa ng PSC at ipinagpatuloy na lamang nila ito. (Ulat ni Malou Escudero)

CHAIRMAN CARLOS TUASON

COACHES

HOUSE COMMITTEE

HOUSE RESOLUTION

KAUGNAY

MALOU ESCUDERO

MONICO PUENTEBELLA

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

YOUTH AND SPORTS DEVELOPMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with