Red Lions dapa sa Stags
January 25, 2002 | 12:00am
Iginupo ng San Sebastian College ang San Beda College, 3-0 kahapon upang makopo ang ikalawang sunod na panalo sa seniors division ng NCAA tennis tournament sa Rizal Memorial Tennis Center.
Blinangko ni Nino Salvador si Michael Lanuevo, 6-0, 6-0; pinasadsad nina Salvador at Arvin Ruel ang pares nina Borgs Solpicio at Emerson Ocampo, 7-6, 6-3; at nanalo naman sa pamamagitan ng default si Ruel kontra kay Ocampo.
Pinarisan naman ng Letran ang tagumpay ng Baste matapos itala ang 3-0 panalo kontra sa University of Perpetual Help-Rizal habang nakopo naman ng Mapua Institute of Technology ang kanilang unang panalo nang kanila ring blangkuhin ang Jose Rizal University, 3-0.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest