^

PSN Palaro

MVP award sa PBL nais baunin ni de Ocampo

-
Magiging isang magandang pabaon para sa PBA top draft pick Yancy de Ocampo kung mapapasakamay nito ang Most Valuable Player award sa PBL Challenge Cup.

At hindi malayong mangyari ito dahil nangunguna ngayon si de Ocampo sa karera ng MVP matapos ihatid ang kanyang koponang Welcoat sa awtomatikong semifinal berth na may biyayang twice-to-beat.

Si de Ocampo, nakatakdang sumanib sa puwersa ng FedEx sa PBA, ay may kabuuang 508 statistical points, 373 mula sa statistics at 135 sa won games na naging daan upang maagaw nito ang top spot mula kay Chester Tolomia.

Nalaglag sa ikalawang puwesto si Tolomia sa kanyang 443 total, points kasunod sina Ren Ren Ritualo na may 414 puntos, Roland Pascual at Marlon Legaspi na may 405 at 383 total points ayon sa pagkakasunod.

Kabilang sa top 10 sina Allan Salangsang at Mike Cortez na parehong may 367 puntos, Jojo Manalo (359), Cyrus Baguio (355) at Leo Avenido (355).

ALLAN SALANGSANG

CHALLENGE CUP

CHESTER TOLOMIA

CYRUS BAGUIO

JOJO MANALO

LEO AVENIDO

MARLON LEGASPI

MIKE CORTEZ

MOST VALUABLE PLAYER

OCAMPO

REN REN RITUALO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with