Semis aasintahin ng Shark sa PBL Challenge Cup
January 17, 2002 | 12:00am
Aasintahin ng defending champion Shark Energy Drink ang unang awtomatikong semifinals berth sa kanilang pakikipagharap sa Montana Pawnshop ngayon sa pagsasara ng eliminations ng 2001 PBL Challenge Cup sa Makati Coliseum.
Kapwa mahalaga para sa Power Boosters at Jewelers ang panalo sa alas-3:30 ng hapong engkwentro.
Kailangang mamayani ang Shark upang makaiwas sa posibleng three-way tie sa liderato kung saan maaaring masolo ng Welcoat Paints ang no. 1 spot bunga ng mas mataas na quotient.
Ito ay magbubunga ng sudden-death match sa pagitan ng Power Boosters at ICTSI-La Salle para sa ikalawa at huling semis slot.
Obligado rin ang Montana, kasalukuyang kasama sa three-way tie kasama ang Ana Freezers at Ateneo-Pioneer taglay ang 4-9 kartada, upang manatiling buhay ang kanilang pag-asa sa cross over quarterfinals.
Kung mananalo ang Jewelers, kanilang makakalaban ang mananalo sa pagitan ng Ateneo-Pioneer at Freezer Kings sa alas-5:30 ng hapong sagupaan.
Bagamat pinapaborang manalo ang Shark kontra sa Montana dahil sa kanilang 69-50 panalo sa kanilang unang paghaharap noong Nobyembre 24, ayaw maging kumpiyansa ni coach Leo Austria.
Kung matatalo ang Jewelers, ang mananalo sa pagitan ng Ana at Ateneo ang kukumpleto sa cast ng crossover quarterfinals.
"The boys are in high spirits coming from an 80-76 win over Ateneo Pioneer at kung susuwertihin, well still be here for the quarterfinal round," wika naman ni Montana coach Turo Valenzona.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended