Ito ang nabatid kahapon sa kinikilalang pinakamahusay na cue artist sa buong mundo sa kanilang press conference ng kanyang co-athlete of the year Dorothy Delasin sa Holiday Inn kahapon.
"Naka-schedule na akong lumaro sa Asian Games," pahayag ni Reyes. "Kailangan ko na lamang malaman kung anong event ako maglalaro," dagdag pa nito.
Gustuhin man ni Delasin na maglaro para sa bansa sa Asiad ay hindi nito magagawa.
"As much as I wanted to represent the country, I cannot because Im a professional player and I think only amateurs are allowed to play in the Asian Games golf."
Ayon kay Reyes bagamat mabigat na kalaban ang Japan, Korea at Vietnam, mas mahuhusay ang mga Pinoy sa Rotation at sa 8-ball competition kayat dito may malaking pag-asa ang bansa.
Sina Reyes at Delasin ay tumanggap ng tig-P1milyon mula kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong Linggo bilang pinakamahuhusay na atleta ng bansa ng nakaraang taon.
Sinabi naman ni Delasin na sisikapin niyang lumahok ng mas maraming torneo upang higit na bigyang karangalan ang bansa sa larangan ng gold.