^

PSN Palaro

Labay, Lim kampeon sa 13th Andrada Cup

-
Dobleng panalo ang itinala ni Alyssa Labay habang ibinulsa naman ni No. 2 Arithmetico Lim ang titulo sa boys 14-under division sa 13th Andrada Cup Age Group Tennis Championships sa Rizal Memorial Tennis Center kahapon.

Nakopo ni Labay, No. 7 sa girls 18-under category, ang titulo kontra sa unseeded na si Bien Zoleta sa kanyang 6-1, 6-1 panalo matapos ibulsa ang 16-under crown kontra sa parehong kalaban, 6-1, 2-6, 6-2.

Sinilat naman ni Lim ang top seed na si Mauric Lao 6-1, 6-3 para sa kanyang ikaapat na sunod na 14-under title.

Naghari din ang mga paboritong sina Joseph Arcilla, Melissa Orteza at Bambi Zoleta sa kani-kanilang divisions sa Group 2 event na ito.

Tinalo ni Arcilla ang second seed na si Christian Cuarto, 7-6 (4), 6-7 94), 6-3 para sa 18-under title, isinubi naman ni Orteza ang girls’ 14-under crown matapos ang 7-5, 7-5 panalo kontra sa unseeded na si Jessica Agra habang tinalo naman ni Zoleta ang second seed na si Agra, 6-3, 6-2 para sa girls 12-under title.

Sa iba pang finals results, iginupo ng second seed na si Irwin de Guzman ng La Salle Greenhills ang No. 4 na si Michael Bravo, 2-6, 6-2, 6-2 para sa boys’ 16-under title, nakopo naman ni No. 5 Gerard Michael Ngo ang boys’ 12-under title kontra sa No.6 na si Joshua Tan Ho, 6-4, 3-6, 6-3 at natikman naman ng unseeded na si Ernesto Pantua III ang kanyang unang national title makaraang dispatsahin ang second seed na si Paul Nicole Magaway, 6-2, 6-0.

ALYSSA LABAY

ANDRADA CUP AGE GROUP TENNIS CHAMPIONSHIPS

ARITHMETICO LIM

BAMBI ZOLETA

BIEN ZOLETA

CHRISTIAN CUARTO

ERNESTO PANTUA

GERARD MICHAEL NGO

JESSICA AGRA

JOSEPH ARCILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with