Lim, kukuning coach ng Pop Cola
January 2, 2002 | 12:00am
Napaso noong Disyembre 31 ang kontrata ni Vincent "Chot" Reyes bilang coach ng Pop Cola at hanggang ngayon ay wala pa ring transaksiyong sinisimulan sa kampo ng Panthers.
Sinasabing sakaling hindi na kuning muli ng Pop Cola na ngayoy pag-aari na ng San Miguel Corporation si Reyes, isang dating manlalaro ng San Miguel Beer ang siyang hahawak sa Panthers.
At itoy walang iba kundi si Avelino "Samboy" Lim.
Kinukunsidera diumano ng pamunuan ng San Miguel Corporation na bigyan ng coaching break ang manlalarong tinaguriang "The Sky-walker" na apat na taon na rin namang nawala sa Philippine Basketball Association mula nang magretiro ito matapos ang 1997 season.
Sa loob ng apat na taong iyon ay nagsilbi si Lim bilang consultant ni coach Edmundo "Junel" Baculi sa kampo ng Welcoat House Paints sa Philippine Basketball League.
Napabalita pa nga sa kalagitnaan ng 2001 na baka halinhan ni Lim si Baculi bilang coach ng Welcoat nang mag-offer ito na magbitiw bilang coach dahil sa masamang simula ng House Paint Masters sa nakaraang Chairmans Cup. Hindi natuloy dahil sa gumanda ang performance ng Welcoat na nagkampeon pa sa torneong yon.
Si Lim ay kinukunsidera din bilang kapalit ni Binky Favis ng Letran College sa National Collegiate Athletic Association. Subalit ang bench job ng Knights ay napunta sa isa ring dating PBA player at Letran alumnus na si Jerry Ruiz.
Sa sampung taong paglalaro sa PBA ay sari-saring injuries ang natamo ni Lim at halos wala siyang nakumpletong season. Sa kabuuang 335 games mula 1986 hanggang 1997, si Lim ay nag-average ng 16 puntos, 2.77 rebounds, 1.96 assists, 0.44 steal at 0.72 blocked shots. Sa kanyang huling season noong 1997, siya ay nagtala lang ng 4.9 puntos at 1.4 rebounds sa 16 games.
Si Lim, na magdiriwang ng kanyang ika-40 kaarawan sa April 1, ay siyang kauna-unahang Sportsmanship Awardee ng PBA noong 1993. Bilang isang Knight, naihatid niya ang Letran College sa tatlong sunod-sunod na kampeonato at nagwagi pa bilang Most Valuable Player sa NCAA noong 1984. (Ulat ni AC Zaldivar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest