Umiskor si Bautista ng kabuuang 7.5 puntos matapos ang siyam na round ng paglalaro sa junior division upang makapasok sa 12 semifinals slot kasama ang 17-anyos Dexter Dacanay, 20-anyos Carlos Feliciano, 11-gulang Jaroz Felipe, 11-anyos Menachem Loyola, 12-anyos Aaron Khrisna Rivas, 11-taong gulang John Robin Buenavista, 10 anyos Emmanuel Eumir Songcuya II, 9-anyos Jude Emil Fronda, 7-anyos Christy Lamiel Bernales, 7-anyos Jan Jodilyn Fronda at 6-anyos Jan Emmanuel Garcia.
Ang 12-semifinalists ay makakasama ng anim na seeded players ang 9-anyos na si Gabriel Layugan, 11-taon Enrico Cruz, 12-anyos Angelo Macaraig at 10-anyos Amran Ezra Rivas na miyembro ng unang Milo Checkmate squad na tumapos ng ikalawang puwesto sa 2001 Beijing International Invitational Youth Chess Tournament na ginanap noong nakaraang July sa Biejing, China.
Ang naturang tournament ay gagamitan ng Round Robin system at time control na 45 minuto kada manlalaro upang makapili ng siyam na miyembro ng koponan para sa taong 2002. Magsisimula ang laro sa alas-9 ng umaga sa Miyerkules, Enero 2 sa Rizal Memorial Sports Complex.
Ang event na ito ay special project ng Metropolitan Chess Club upang mabigyan ang mga kabataan na may potential at promising Checkmate kids ng tsansa na makakuha ng international exposures sa maagang edad.