^

PSN Palaro

Ritualo, De Ocampo at 2 pang Welcoat players aakyat na sa PBA

-
Hindi na mapipigilan ang pag-akyat sa professional league ng anim na manlalaro ng four-peat champion Welcoat Paints na kinabibilangan nina Ren Ren Ritualo, Yancy de Ocampo, Celino Cruz at Jojo Manalo, Eugene Tan at Derrick Canlas.

Ito ang ipinahiwatig ng mga nabanggit na manlalaro ng Welcoat Paints matapos ang kanilang koponan ay nagpasabi na ng leave-of-absence kamakailan.

Ang Welcoat ay nagtatag na rin ng kanilang dominasyon sa Philippine Basketball Association matapos na makapagsubi ng apat na korona mula ng sumali sila sa liga noong 1998.

Matatandaan na dalawang ulit na nagpahayag ng interes ang Welcoat Paints na mapasama sa pro loop at sa katunayan ay nagsumite sila ng aplikasyon, ngunit hindi sila tinanggap ng PBA.

Balak sana ng Welcoat kung sila ay papayagang makabilang sa PBA na bitbitin ang kanilang mga mahuhusay na manlalaro na kinabibilangan ng anim na nabanggit, ngunit dahil sa tagal ng paghihintay na wala namang katiyakan kung matatanggap, unti-unti ng nawalan ng gana sina Terry Que at Margaret Yu ang may-ari ng Welcoat at sa halip lilisanin na lamang ang PBL.

Isa kina Ritualo at de Ocampo ang siyang inaasahang maging top pick sa gaganaping Philippine Basketball Association Annual Draft sa Jan. 17 sa Glorietta sa Makati.

Bukod sa anim na nabanggit, tinatayang magiging No. 1 pick din ang mahusay na manlalaro ng De La Salle University ang Fil-Am na si Mike Cortez kung siya ay sasali sa draft.

Itinakda ang huling araw ng pagsusumite ng aplikasyon ng mga nagnanais na mapasama sa nasabing draft sa huling oras ng pagbubukas ng opisina sa Dec. 28.

Sa kasalukuyan, aabot sa 48 ang mga aplikante ang nagpahayag ng kanilang interes na sumali sa draft na kinabibila-ngan ng ilang manlalaro mula sa kabilang liga sa MBA.

Kabilang din sa inaasahang sasali sa draft sina Enrico Villanueva, Edwin Bacani, Rysal Castro at Richie Melencio na umaasa na mabibitbit siya ng FedEx sa PBA.

Samantala, malalaman ngayong Enero 3 ang katayuan ng Fed-Ex na siyang bumili sa prangkisa ng Tanduay Gold Rhum sa gaganaping Annual Board Meeting. (Ulat ni Maribeth Repizo)

ANG WELCOAT

ANNUAL BOARD MEETING

CELINO CRUZ

DE LA SALLE UNIVERSITY

DERRICK CANLAS

EDWIN BACANI

ENRICO VILLANUEVA

EUGENE TAN

JOJO MANALO

WELCOAT PAINTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with