^

PSN Palaro

PBA: May kinabukasan pa ba ang mga beterano

-
May magandang kinabukasan pa kayang naghihintay para sa mga may edad ng manlalaro ng Philippine Basketball Association na ang kani-kanilang kontrata ay nakatakdang mapaso ngayong katapusan ng buwan.

Ito ang pangamba nina four-time MVP Alvin Patrimonio at Ronnie Magsanoc ng Purefoods TJ Hotdogs, Nelson Asaytono, Jojo Lastimosa, Pido Jarencio ng Pop Cola at Ato Agustin ng Red Bull.

Sa mga nabanggit, tila sina Patrimonio, Agustin at Asaytono ang posibleng makakuha ng kontrata, ngunit hindi na ito gaya ng kanilang naunang kontrata.

Malaki ang posibilidad na tuluyan ng magretiro si Lastimosa sa aktibong paglalaro at ang inaasam niyang maging isa sa coaching staff ay tila lumabo pa matapos na ang prangkisa ng Pop Cola ay ganap ng maisalin sa San Miguel Corporation noong Martes.

Inaasahan na muling papipirmahin naman ni Red Bull coach Yeng Guiao ng extension contract si Agustin, habang mahihirapan naman si Jarencio na makahanap ng bagong koponang malilipatan niya.

Sa panig naman ni Patrimonio, dalawa ang kanyang option sa koponan ang maging assistant-playing coach o maging bahagi na lamang ng coaching staff.

Ngunit ayon sa source, nais umano ng koponan na magpatuloy si Patrimonio sa kanyang aktibong paglalaro at maaari pa nila itong bigyan ng kontrata ng hindi bababa sa dalawang taon.

Hindi lang ang mga nabanggit ang tila may agam-agam, kundi maging ang iba pang mga manlalaro sa iba’t ibang koponan na matatapos na ang kontrata.

Kabilang sa mga manlalaro na paso na ang kontrata ay sina Chris Tan, Gerard Francisco at Jack Santiago ng Sta. Lucia, Merwin Castelo at Boy Valera ng Barangay Ginebra, Elmer Lago, Jason Webb, Chris Cantonjos, Wynne Arboleda, Oliver Agapito at Alex Friedhof ng Tanduay, Lowell Briones, Bernard Tanpua, Glen Capacio at Lordy Tugade ng Red Bull, Jack Santiago, Dino Manuel at Jolly Escobar ng Purefoods, Gido Babilonia, Don Camaso, Josel Angeles at Gabby Cui ng Talk N Text, Don Allado, Bryan Gahol, Kevin Ramas, Jon Ordonio at Glen Peter Yap ng Alaska, Joel Dualan at Art del Rosario ng Shell, Ramon Jose, Chris Bolado, Poch Juinio, William Antonio ng Pop Cola.

Sina Tan at Francisco ay inaasahang ire-renew ng Sta. Lucia gayundin ang isa sa kanilang franchise player na si Dennis Espino matapos ang kanilang ipinakitang husay sa nakaraang Commissioners Cup kung saan kanilang naisubi ang korona matapos ang siyam na taong tagtuyot nang isara ng Realtors ang serye sa 4-2 kontra San Miguel Beer.

Ayon kay team manager Buddy Encarnado, hindi nila pakakawalan si Espino kahit ano ang mangyari at ang anumang offer sheet na ihahain ng iba pang koponan ay kanilang tatapatan.

Siniguro rin ni Encarnado na makakatanggap na si Espino ng maximum salary na P500,000 gaya ng sinusuweldo ng isa nilang marque player na si Marlou Aquino.

Si Espino ay sumusuweldo lamang ng P400,000 kada buwan ngayong taon.(Ulat ni Maribeth Repizo)

AGUSTIN

ALEX FRIEDHOF

ALVIN PATRIMONIO

ATO AGUSTIN

BARANGAY GINEBRA

BERNARD TANPUA

JACK SANTIAGO

PATRIMONIO

POP COLA

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with