150 skaters ng Asian countries magpapakitang gilas

Mahigit sa 150 skaters mula sa apat na Asian countries kabilang ang Philippines ang nakatakdang magpakita ng kani-kanilang talento sa yelo sa pinakamalaking Christmas ice skating event ngayong taon–ang SM ISI-Asia Skate Philippines 2001 sa Dec. 19-20 sa Southmall at Megamall ice skating rinks.

Inaasahang mapapasabak sa mahigpit na laban ang Freestyle and Basic skaters mula sa local teams ISUP-Las Piñas (Southmall) at defending champion ISUP-Mandaluyong (Megamall) maging ang kani-kanilang foreign counterparts mula sa Hong Kong (City Plaza Ice Rink at Riviera Ice Rink), Malaysia (Mines Ice Rink) at Indonesia (Skyrink) sa overall team championship title sa dalawang araw na skating event sanctioned ng Ice Skating Institute-Asia (ISI) at kinikilala ng Ice Skating Union of the Philippines (ISUP).

Bukod sa overall team championship, nakataya rin ang awards sa tournament na ito para sa Highest Pointer Award para sa Freestyle and Basic levels (male and female), Most Promising Skater at Most Artistic Skater plums.

Para sa iba pang detalye, tumawag kay kaye Manese, Oliver Cortezano o Liezl Gayat sa 6335008.

Show comments