^

PSN Palaro

PBL Challenge Cup: Shark nasilaw sa Kutitap

-
Humataw ang Kutitap Toothpaste sa huling bahagi ng labanan upang gulantangin ang defending champion Shark Energy Drinks sa pagpapatuloy ng eliminations ng PBL Challenge Cup sa Makati Coliseum kahapon.

Pinangunahan ni Cyrus Baguio ang mainit na 14-6 run katulong si Francis Mercado upang iangat ang Cavity Fighters sa ikaapat na panalo sa siyam na pakikipaglaban matapos wakasan ang five-game winning streak ng Power Boosters.

Ngunit di matatawaran ang ambag na 13-puntos ni Mark Saquilayan upang pangunahan ang Kutitap sa pagpapalasap sa Shark ng kanilang ikatlong pagkatalo sa siyam na laro ngunit nanatili pa rin ito sa pangkalahatang pamumuno.

Buhat sa 53-49 kalamangan ng Shark, naagaw ng Kutitap ang kalamangan matapos ang basket ni Baguio at three-point play ni Mercado, 54-53. Mabilis na nabawi ng Shark ang bentahe sa 57-55 ngunit naitabla ng Cavity Fighters ang score sa 57-all matapos ang basket ni Rency Bajar.

Hindi na nagawa pang maka-iskor ng Power Boosters at kumulekta naman ng 6-2 produksiyon ang Shark upang iselyo ang tagumpay na bumura sa kanilang dalawang sunod na kabiguan.

Bagamat si Saquilayan lamang ang nakapaglista ng double digit, nagtulong-tulong naman sina Bajar, Baguio, Allan Salangsang at Mercado sa pinagsama-samang 35 puntos upang sapawan sina Gilbert Malabanan at Junio na may 14 at 13, ayon sa pagkakasunod para sa Shark.

Ang panalong ito ng Kutitap ay dumuplika sa kanilang 77-66 panalo sa kanilang unang pagku-krus ng landas noong Nobyembre 10.

ALLAN SALANGSANG

CAVITY FIGHTERS

CHALLENGE CUP

CYRUS BAGUIO

FRANCIS MERCADO

GILBERT MALABANAN

KUTITAP

KUTITAP TOOTHPASTE

MAKATI COLISEUM

POWER BOOSTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with