PNYG-Batang Pinoy: Umaapaw ang pool sa Manila
December 7, 2001 | 12:00am
BACOLOD CITY - Dinomina ng Manila ang tatlong araw na swimming competition na nagtapos kahapon sa Panaad Swimming pool para idistansiya ang kanilang overall leadership sa kabuuang 20-golds sa penultimate day ng inuulang 3rd Philippine National Youth Games-Batang Pinoy dito bunga ng bagyong Quedan.
Pinangunahan nina Kimberly Uy at Gian Berino ang paghakot ng Manila ng walong ginto kahapon at halos abot kamay na ang overall title puwera na lamang kung makakagawa ng milagro ang kanilang mahigpit na kalabang defending champion na Laguna at host Bacolod City sa huling araw ng Palarong ito para sa kabataang may edad na 12-gulang at pababa.
Sina Uy na namayagpag kahapon sa ika-66th at huling event ng swimming ng girls 6-under 100-meter freestyle at Berino na nakadalawa kahapon sa bagong event na boys 6-under 100m freestyle at 50m butterfly, ay nagtapos bilang triple gold medalists.
Nag-set ng record si Uy sa bagong event na girls 6-under 100m freestyle sa tiyempong 1:26.18 gayundin si Berino sa boys division sa kanyang oras na 1:18.97 habang nakopo nito ang gold sa 50m butterfly sa tiyempong 39:03.
Ang naunang dalawang gold ni Uy ay galing sa 500m backstroke at 50m freestyle habang ang unang ginto ni Berino ay sa 50m freestyle din.
Bukod sa dalawa, ang iba pang triple gold medalists sa swimming competition ay sina Mariel Infantado ng Oriental Mindoro, Miguel Villanueva ng host Bacolod City, Jan Michelle Chiu ng Mandaluyong City, Banjo Borja ng Laguna at Sadeq Neihum at Denjylie Cordero ng Rizal at Rorydel Camong at Dina Trabucon sa athletics.
Bagamat umani ng apat na gold ang Laguna sa swimming para sa kanilang kabuuang 10-golds tulad ng Bacolod na nakakuha naman ng dalawang golds, nanganganib na ang kanilang iniingatang titulo.
Sa kabuuan, ang Manila ay umani ng 17 golds sa swimming competition kung saan may kabuuang 47 records ang nasira, 12 kahapon. Ang Laguna naman ay nakakuha ng siyam, pito sa Bacolod.
Tumulong din sa magandang pagtatapos ng Manila sa swimming pool sina Maxim Quilala, Judith Elizah Cruz at Jose Baylon gayundin sina Maria Arebejo Infantado sa kanilang record-breaking performance.
Bunga nito, ang Manila ay mayroon ding double gold medalists sa katauhan nina Heidi Gem Ong, Leland Tan, Jose Luigino Baylon at Arabejo. (Ulat ni Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended