^

PSN Palaro

DepEd hindi na hadlang sa Batang Pinoy

-
Wala ng magiging balakid para di matuloy ang pagdaraos ng third Philippine National Youth Games-Batang Pinoy maging ang opisyal na go-signal mula sa Department of Education(DepEd) kung saan pinapayagan na ang mga public school teachers at student athletes na lumahok sa Dec. 1-7 competition.

Noong Martes, nilagdaan na ni DepEd Secretary Raul Roco ang memorandum circular na nag-uutos sa public school children at teachers na lumahok sa third PNYG-Batang Pinoy sa mga games na iho-host ng Bacolod City at Negros Occidental na gaganapin sa Panaad Sports Complex.

Ang nasabing circular ay nagawang pirmahan nina Commissioners Amparo Lim, project director ng third PNYG-Batang Pinoy, Ricardo Garcia at Cynthia Carrion sa kanilang pakikipagpulong kay Roco noong Martes sa mismong opisina ng DepED sa Pasig City.

Naging instrumento rin si Bacolod Rep. Monico Puentevella, dating commissioner ng PSC sa pagi-isyu ni Roco ng memorandum circular kung saan ang halos kalahati ng mga kalahok sa nabanggit na games ay magmumula sa public schools.

Sinisimulan ng ipakalat ang memorandum circular ni Roco sa iba’t ibang rehiyon at umaasa ang PSC na ang kopya nito ay matatanggap ng lahat ng local sports councils bago magtapos ang linggong ito.

At gaya ng dati, nagkasundo ang PSC at DepEd na ang kanilang pagtutuunan ng atensiyon ay ang mga malalakas na sports sa 15 disciplines na nakalaan sa kalendaryo ng third PNYG-Batang Pinoy na akma para sa sports development program ng mga kabataang atleta na may edad na 12 pababa.

Ang mga sports na idaraos sa nasabing games ay ang athletics, badminton, boxing, chess, dancesports, football, gymnastics, karatedo, baseball, swimming, lawn tennis, table tennis, taekwondo, volleyball at Little League baseball at softball.

BACOLOD CITY

BACOLOD REP

BATANG PINOY

COMMISSIONERS AMPARO LIM

CYNTHIA CARRION

DEPARTMENT OF EDUCATION

LITTLE LEAGUE

MONICO PUENTEVELLA

NEGROS OCCIDENTAL

ROCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with