Kumana si Niño Gelig ng 11 sa kanyang tinapos na 13-puntos sa ikaapat na quarter upang pamunuan ang Kutitap sa paglista ng kanilang ikatlong panalo sa anim na laro upang makabawi mula sa dalawang sunod na talo.
Bagamat halos parehong mahina ang field goal shooting ng magkabilang panig sa final canto, bumawi naman sa free throw ang Kutitap sa kanilang 17-28 free throw shooting kumpara sa 9-of-11 lamang ng Freezer Kings.
Patungo sa huling 1:32 oras ng laban, nasa delikadong 66-63 kalamangan pa ang Cavity Fighters nang pangunahan ni Gelig ang 12-3 produksiyon, 10 puntos nito ay galing sa free throw line upang iselyo ang kanilang tagumpay.
Nalasap naman ng Ana ang kanilang ikaapat na kabiguan sa anim na laro nang mabigo nilang sustinihan ang kanilang isinagawang pagbangon mula sa 8-puntos na deficit sa pamamagitan ng 10-6 paghahabol.