^

PSN Palaro

PBL Challenge Cup: Kutitap kumislap

-
Steady shooting ang ipinamalas ng Kutitap Toothpaste mula sa free throw line sa ikaapat na quarter upang punan ang kanilang mahinang field goal shooting tungo sa 79-66 panalo kontra sa Ana Freezers sa pagpapatuloy ng eliminations ng 2001 PBL Challenge Cup sa Makati Coliseum.

Kumana si Niño Gelig ng 11 sa kanyang tinapos na 13-puntos sa ikaapat na quarter upang pamunuan ang Kutitap sa paglista ng kanilang ikatlong panalo sa anim na laro upang makabawi mula sa dalawang sunod na talo.

Bagamat halos parehong mahina ang field goal shooting ng magkabilang panig sa final canto, bumawi naman sa free throw ang Kutitap sa kanilang 17-28 free throw shooting kumpara sa 9-of-11 lamang ng Freezer Kings.

Patungo sa huling 1:32 oras ng laban, nasa delikadong 66-63 kalamangan pa ang Cavity Fighters nang pangunahan ni Gelig ang 12-3 produksiyon, 10 puntos nito ay galing sa free throw line upang iselyo ang kanilang tagumpay.

Nalasap naman ng Ana ang kanilang ikaapat na kabiguan sa anim na laro nang mabigo nilang sustinihan ang kanilang isinagawang pagbangon mula sa 8-puntos na deficit sa pamamagitan ng 10-6 paghahabol.

ANA FREEZERS

BAGAMAT

CAVITY FIGHTERS

CHALLENGE CUP

FREEZER KINGS

GELIG

KANILANG

KUTITAP

KUTITAP TOOTHPASTE

MAKATI COLISEUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with