^

PSN Palaro

PBL Challenge Cup: ICTSI-DLSU nakadalawa na

-
Naisulong ng ICTSI-La Salle ang ikalawang sunod na panalo nang kanilang pasadsarin ang Kutitap Toothpaste, 57-53 sa pagpapatuloy ng eliminations ng PBL Challenge Cup sa Makati Coliseum kahapon.

Bagamat hindi naka-iskor ang Archers sa huling mahigit na tatlong minuto ng labanan, naging epektibo ang kanilang depensa upang di rin paiskurin ang kalaban at maipreserba ang tagumpay.

Sapat na ang siyam na puntos na kalamangan, 57-48 ng La Salle na naging daan upang ipalasap sa Cavity Fighters ang kanilang ikatlong talo sa limang laro.

Pinangunahan ni ex-pro Rommel Daep ang Archers sa paghakot ng 12-puntos na kanyang kinayod sa first half lamang, habang nagtala naman si Mike Cortez ng 11 puntos.

Nalimitahan ang Kutitap sa siyam na puntos lamang sa ikatlong quarter habang 16-puntos naman ang kinamada ng Archers para sa 48-42 pangunguna sa pagsasara ng naturang yugto.

Pinangunahan naman nina Francis Mercado, Jorge Sison at Allan Salangsang ang Kutitap sa kanilang tig-10 puntos.

ALLAN SALANGSANG

CAVITY FIGHTERS

CHALLENGE CUP

FRANCIS MERCADO

JORGE SISON

KUTITAP

KUTITAP TOOTHPASTE

LA SALLE

MAKATI COLISEUM

MIKE CORTEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with