^

PSN Palaro

Clay, MBA Hardcourt Hero of the Week

-
Pinalawig ng Laguna Lakers ang kanilang winning streak sa pito matapos na itala ang tatlong sunod na panalo noong nakaraang linggo na siyang nagpalakas ng kanilang kapit sa ikalawang puwesto sa Northern Conference kasabay ng pagsisiguro ng kanilang home court advantage sa kanilang nakatakdang pakikipagtagpo sa defending champion San Juan sa best-of-three semifinals series.

Ito ay dahil sa mahusay na performance ni Chris Clay, ang league’s leading scorer na siyang bumandera sa open-sa ng Lakers sa kanilang panalo kung saan nagtala siya ng average 35 points.

Humakot si Clay ng season-high 51 puntos nang igupo ng Lakers ang Nueva Ecija Patriots noong nakaraang Oct. 18 at muling nagpasiklab nang tumapos ito ng 39 puntos at pitong rebounds at limang assists noong Miyerkules nang itala naman ng Lakers ang 122-105 tagumpay kontra sa Southern Conference champion Negros Slashers.

At sa sumunod na araw, ang 6-3 Fil-Am ay muling gumuhit ng 25 puntos, apat na rebounds, anim na assists at isang steal at dalawang supalpal nang kanyang pangunahan ang Lakers sa 95-85 panalo kontra sa San Juan.

Naging mainit si Clay sa laban nila kontra Davao Eagles noong Linggo nang kumamada ng 42 puntos bukod pa ang dalawang rebounds at apat na assists upang pamunuan ang Lakers sa 130-114 panalo.

Ito ang dahilan kung bakit si Clay ang siyang nahirang ng MBA Press Corps para tanghaling Hardcourt Hero para sa linggong Nov. 7-11.

vuukle comment

CHRIS CLAY

DAVAO EAGLES

HARDCOURT HERO

LAGUNA LAKERS

NEGROS SLASHERS

NORTHERN CONFERENCE

NUEVA ECIJA PATRIOTS

PRESS CORPS

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with