Nagkaroon ng tsansa ang 38-anyos na si Jordan, suot ang pamilyar na numero 23 sa di-pamilyar na dark blue uniform ng Wizards na maitabla ang laban sa pamamagitan ng long-range 3-pointer sa final segundo, pero tumama lamang ang kanyang tangka sa unahan ng rim.
Bahagya lamang sumablay ang may katandaan ng Jordan sa huling maiinit na segundo ng laban kung saan nagkaroon rin ng tsansa ang kanyang koponan na maitakas ang panalo, subalit sa pagkakataong ito di gumana ang dating tikas ng dating MVP.
"I think were all surprised," ani Knicks coach Jeff Van Gundy hinggil sa pagkabigo ni Jordan na iangat ang kanyang koponan.
Tumapos si Jordan, ang games greatest player at ang kilalang sportsman sa buong mundo sa kanyang ka-panahunang season sa Chicago Bulls ng 19 puntos, habang nagmintis ang 14 sa kanyang 21 shots mula sa floor.
Nagdagdag din ang five-times league MVP, 10-times scoring champion at miyembro ng anim na NBA championship teams ng anim na assists, limang rebounds at apat na assists sa 37 minutong paglalaro.
Nanguna naman sa Knicks si Latrell Sprewell na humatak ng 28 puntos, habang nag-ambag naman si Allan Houston ng 22.
Kinuha ng Knicks ang trangko sa third canto nang dumikit ang Wizards sa 67-61 patungo sa final period matapos na lumamang ang Washington sa 43-41 sa halftime.
Kumana si Jordan ng anim na puntos sa opening quarter na siyang naghatid sa Wizards sa 21-19 kalamangan.