Maningning na simula ni Bergavera
October 30, 2001 | 12:00am
BACOLOD--Maningning na sinimulan ni Gerard Bergavera ng host Negros Occidental Tennis Association (NOTA) ang kanyang kampanya makaraang talunin si Jomar Nochete, 8-2 at Sean Javellana, 8-0 upang umusad sa boys 12-under division ng inulan na 2001 Milo Junior Tennis Cup and Regional Workshop nitong Linggo dito.
Nakopo ni Bergavera ang quarterfinal seat kasama sina Manilas Christian Canlas na bumokya kay Erwin Ponce, 8-0 bago nalusutan si Bernardine Siso, 8-7 at isa pang lahok ng Big City na si Daniel Macalino na nanaig kontra Bryan Lontok, 8-2.
Sa unisex 10-under bracket, pinabagsak ni Renan Mirto ng Aklan si John Dominguez, 8-3; hiniya ni Martina Guba ng La Carlota si Elper Lachica, 8-6; nanaig din si Chynna Mamawal sa kalabang si Joseph Arbot, 8-6 at sinupil ni Joana Tan si Gilo Gustillo, 8-1 sa Milo netfest na ito na inorganisa ng Childrens Tennis Workshop at suportado ng Adidas at Sports Kids kung saan mayroong 158 boys and girls ang nagpatala sa event na ito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 4, 2024 - 12:00am
November 2, 2024 - 12:00am