^

PSN Palaro

May counter proposal pa ang BAP sa PBA

-
Bagamat ipinagkaloob na ng Basketball Association of the Philippines (BAP) ang awtoridad sa Philippine Basketball Association (PBA) sa pagbuo ng Pambansang koponan na kakatawan sa bansa sa Asian Games sa Pusan, South Korea, hindi pa maaaring kumilos ang PBA dahil kailangan pa nilang hintayin ang counter-proposal ng BAP.

Hindi pa makapagbigay ng komento si PBA Commissioner Jun Bernardino sa usaping ito dahil anito’y kailangan muna nitong ma-kita ang proposal na ihahain ng BAP na inaasahang matatanggap ng PBA ngayon.

Ayon sa isang impormante, posibleng ilagay ng BAP sa kanilang counter-proposal ang pagsama ng pangalan nina coach Boyzie Zamar at Romel Adducul sa National team na bubuuin ng PBA.

Sa proposal ng PBA, kung ibibigay ng BAP ang karapatang kumata-wan ng bansa sa Pusan Games na gaganapin sa susunod na taon, hiniling ng liga ang ‘blanket authority’ tulad ng kanilang nakagawian sa dating administrasyon ng BAP.

Matapos ang limang oras na pagpupulong ng BAP na pinangunahan ng kinikilala na ngayong pangulo nitong si Tiny Literal, napagkasun-duan ng national board na kilalanin ang dati nang Memorandum of Agreement ng PBA at BAP na ang naturang liga ang siyang pagmu-mulan ng Pambansang koponan para sa Asian Games.

Ngunit dahil malaki ang naitulong ng Metropolitan Basketball Association sa pakikibaka ni Literal sa pakikipagagawan sa liderato sa BAP laban sa dating presidente nitong si Lito Puyat ay kailangang tumanaw ng utang na loob ang kampo ni Li-teral.

Ang kumatawan ng bansa sa nakaraang SEA Games ay ang MBA selection na kinabibilangan ni Zamar na siyang coach at Adducul. Matagumpay nilang naipagtanggol ang korona ng bansa sa ika-12 pagkakataon.

Pag-aaralan muna ni Bernardino ang counter-proposal ng BAP bago nito ihain sa PBA Board meeting para maaprubahan ito at saka lamang magsisimulang bumuo ng Pambansang koponan.

Ang PBA ang siyang pipili ng tatayong coach ng national team at ito ang mamimili ng komposisyon ng kanyang team, tulad ng nakagawian noong panahon ni Puyat sa BAP.

ASIAN GAMES

BAP

BASKETBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

BOYZIE ZAMAR

COMMISSIONER JUN BERNARDINO

LITO PUYAT

MEMORANDUM OF AGREEMENT

METROPOLITAN BASKETBALL ASSOCIATION

PAMBANSANG

PBA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with