Abante ang Celtics ng 13 puntos sa huling bahagi ng third quarter noong Miyerkules, ngunit nagsalpak si Jeff Trepagnier ng tres upang ibaba ang kalamangan sa 76-70 patungong 8:55 oras ng labanan.
Umiskor si Walker ng dalawang free throws na sinabayan ng pagkana ng jumper na sinundan ng three-point play ni Milt Palacio ang naghatid sa Boston sa 83-70 pangunguna.
Nanalo ang Celtics ng wala ang kanilang starting point guard na si Kenny Anderson, na hindi pa nakakalaro sanhi ng pamamaga ng kanyang kaliwang tuhod.
Pinangunahan ni Jumaine Jones ang Cleveland sa kanyang 20 points at nagdagdag naman si Wesley Person ng 17 puntos.
Sa Philadelphia, humataw si Tim Duncan ng 20 puntos at siyam na rebounds nang talunin ng San Antonio Spurs ang Philadelphia 76ers, 81-65.
Nagtala si Raja Bell ng 14 puntos at nagdagdag si Matt Geiger ng 12 puntos at 11 rebounds para sa Philadelphia na naglaro ng wala pa rin ang mga injured na sina Allen Iverson, Eric Snow, George Lynch at Aaron Mckie.
Kinumpleto ng 76ers ang kanilang pre-season sa 1-6 record.
Nagbaba ang Spurs, na may 5-2 record, ng 21-6 run sa third canto upang kunin ang 67-50 kalamangan patungong final period.
Sa Denver, bumato sina James Posey at Isaiah Rider ng tig-16 puntos upang talunin ng Nuggets ang Chicago Bulls, 89-75.
Nagdagdag si Ryan Bowen ng 10 puntos para tulungan ang Nuggets sa kanilang ikalawang panalo matapos ang walong preseason games.
Sa Sacramento, kumana si Peja Stojakovic ng 22 puntos upang biguin ang pagbabalik ni Jason Williams at pabagsakin ng Sacramento ang Memphis, 107-94.
Gumawa si Williams, nai-trade ng Kings sa Grizzlies sa off-season kapalit ni Mike Bibby ng 5-of-18 shots, apat nito ay mula sa triples upang tumapos ng 15 puntos, siyam na assists at limang turnovers sa 35 minutong paglalaro.