Tatahak ang naturang karera na prisinta ng ZESTO Orange Drink at suportado ng Philip Wires and Cables sa isang bahagi lamang ng Orti-gas Ave., at kanilang gagamitin ang portions ng EDSA hanggang Julia Vargas St. Ito ay bukas para sa lahat ng physically fit individual na may edad 14 pataas.
Ginaganap na ngayon ang patalaan sa ground floor ng Madrigal Plaza Bldg., sa No. 51 Annapolis St. sa Greenhills, San Juan, Metro Manila. Ang registration fee ay P800 at limitado lamang ang mga runners sa unang 1500.
Nakataya sa karerang ito ang mga cash prizes at tropeo para sa top finishers sa mens at womens division, habang pagkakalooban naman ng medalya ang bawat top finishers sa 15 male age category at 12 age group category para sa babae. Lahat ng finishers ay tatanggap ng ZESTO finishers t-shirts, ZESTO orange drinks at snacks.
Tampok rin sa karera ang inter-Greenhills Subd., competition para sa mga taga North Greenhills, North East Greenhills at West Greenhills Subdivision residents. Ang nasabing Greenhills 10K classic ay inorganisa ng Greenhills Running Club sa pangunguna ni Dr. Jerry Jarin kung saan noong nakaraang taon ang naturang karera na tinaguriang Greenhills 8K Classic ay humakot ng 1000 runners.