^

PSN Palaro

NBA preseason: Jordan umiskor ng 24 puntos pero Wizard bigo pa

-
GRAND RAPIDS, Michigan -- Bagamat kumana si Michael Jordan ng 24 puntos at humatak ng anim na rebounds sa 32 minutong paglalaro, di pa rin ito sapat upang madala niya ang Washington Wizards sa panalo matapos na yumukod sa Detroit Pistons, 114-88 sa preseason game sa sold-out crowd na 11,639 sa Van Andel Arena.

Pumukol si Jerry Stackhouse ng game-high 36 puntos upang pamunuan ang Detroit.

Umiskor si Jordan ng 7-of-20 mula sa field at 9-of-12 mula naman sa free throw line sa kanyang ikatlong exhibition game mula ng mag-balik ito matapos ang tatlong taong pahinga. Tatlong minuto ang naidagdag ni Jordan kumpara sa kanyang naunang dalawang laro sa kabila ng pagkakaroon nito ng sprain sa kanyang kaliwang paa noong Sabado sa Miami.

Hindi kinakitaan ang five-time regular-season Most Valuable Player at six-time NBA champion sa Chicago Bulls ng kakaibang kilos gaya ng kanyang ginawa nang tumapyas ito ng 18 puntos sa first-quarter kontra sa Heat, kundi nagmistula lang itong gaya ng isang manlalaro na nagtatangkang makabalik sa dating porma.

Gumawa rin siya ng ilang di magandang cuts patungo sa basket na di dala ang bola, hindi rin niya nagawang tapusin ang ilang lay ups na kapwa sa standard at reverse variety. Hindi rin consistent ang kanyang shooting touch matapos na sumablay ang 13 pagtatangka.

Sa Memphis, Tennessee, nagsalpak si Lorenzen Wright ng 5-meter (16-foot) jump shot may 26.4 segundo ang nalalabi at nagdagdag ang rookie na si Will Solomon ng apat na free throws nang talunin ng Grizzlies ang Miami, 110-106.

Napagwagian ng Grizzlies, na lumipat sa Memphis mula sa Vancouver ang lahat ng kanilang apat na laro sa home games upang buksan ang kanilang exhibition season. Lalaruin nila ang nalalabing preseason sa road bago magbukas ang regular season sa kanilang balwarte kontra sa Detroit Pistons sa Nov. 1.

Sa Lawrence, Kansas, umiskor si Donyell Marshall ng game-high 19 puntos at nagtala ang Russian rookie Andrei Kirilenko ng 17 puntos at siyam na rebounds nang pabagsakin ng Utah ang Philadelphia 76ers, 95-70.

Naglaro ang 76ers na wala ang kanilang four starters na na-injured na kinabibilangan ng kasalukuyang Most Valuable Player Allen Iverson at bumagsak sila sa 0-4 sa preseason.

Sa iba pang laro, naungusan ng Golden State Warriors ang Denver Nuggets, 96-94 at sinilat ng Seattle Super Sonics ang Sacramento Kings, 101-99.

Samantala, sa Salt Lake City, hindi makakasama si Karl Malone sa apat na exhibition road trip ng Utah Jazz dahil kasalukuyang nasa Louisiana ito at kapiling ang kanyang inang may sakit.

Ang road trip ng Jazz ay nagsimula noong Huwebes ng gabi kontra sa Philadelphia sa Lawrence Kansas.

ANDREI KIRILENKO

CHICAGO BULLS

DENVER NUGGETS

DETROIT PISTONS

DONYELL MARSHALL

GOLDEN STATE WARRIORS

JERRY STACKHOUSE

KARL MALONE

LAWRENCE KANSAS

LORENZEN WRIGHT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with