MBA 2nd Phase: Batangas kontra Davao
October 12, 2001 | 12:00am
Makabalik sa pakikisosyo sa liderato ang pagtutuunan ng atensiyon ng Batangas sa kanilang pakikipagtipan sa Davao ngayon sa MBA Second Phase na dadayo sa RMC Gym sa Davao.
Sa alas-3 ng hapong laban, iisa lamang ang nasa isipan ng Blades ang makapaghiganti mula sa kanilang nalasap na 86-82 pagkatalo sa mga kamay ng San Juan Knights noong Linggo at ito ay kanilang maisasakatuparan lamang kung matatalo ang Davao.
Nais naman ng FedEx Laguna na maitala ang kanilang ikaapat na panalo sa nakatakda nilang engkuwentro ng Nueva Ecija Patriots sa alas-5:30 ng hapon na gaganapin sa San Luis Sports Complex sa Sta. Cruz, Laguna.
Sa kasalukuyan, hawak ng Lakers ang 3-3 win-loss slate, habang nag-iingat naman ang Patriots ng 2-4 kartada.
Bahagyang paborito sa labang ito ang Blades na siguradong babanderahan nina Romel Adducul, Alex Compton, Eddie Laure, Peter Martin, Tonyboy Espinosa, Jeffrey Sanders at Ralph Rivera upang maitala ang kanilang ikaanim na panalo.
Gayunpaman, inaasahang magbibigay rin ng mahigpit na laban ang Eagles na wala pang naitatalang panalo matapos ang apat na laro.
Tiyak na sasandigan ni coach Jun Noel ang mga balikat nina Genesis Sasuman, Ryan Bernardo, Edong Marata, Richard Caliao at rookie Peter June Simon na kailangang kumayod ng husto upang wakasan na ang kanilang losing streak.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended