^

PSN Palaro

Montecillo, Tolentino nalo

-
CEBU CITY--Kapwa dinomina nina Bowen Montecillo at Ailyn Tolentino ng Cagayan de Oro ang kani-kanilang mga kalaban upang makopo ang titulo sa kani-kanilang division kahapon sa 2nd Osaka-Guardo 10K Anniversary Run sa Capitol Building grounds dito.

Inagaw ni Montecillo, na kagagaling lamang mula sa kanyang sakit ang kalamangan sa kalagitnaan ng karera mula sa mahigpit na kalaban na si Arvin Loberanis at Tirso Pamaybay.

Mula dito, hindi na nilingon pa ng 18-anyos na mag-aaral mula sa University of San Jose-Recoletos ang kanyang mga kalaban patungo sa finish line ng 10-kilometrong karera sa tiyempong 34 minutos at 35.53 segundos.

Pumangalawa si Loberanis sa oras na 35:15.70 habang ang local road race King na si Pamaybay ang siyang pumangatlo sa tiyempong 35:27.19.

Sa kababaihan, naibulsa ni Tolentino ang kanyang back-to-back title matapos na mag-isang tumahak ng finish line sa oras na 44:34.12.

Sumegunda ang pambato ng Cebu na si Merlita Arias na may 45:13.76, habang si Analyn Edrolin ang siyang tumersera sa naitalang 45:26.28.

Napagwagian ng multi-titled na si Cristituto Canete ang Masters’ crown at si Nogie Biagan ang siyang nanalo sa Executive class.

AILYN TOLENTINO

ANALYN EDROLIN

ANNIVERSARY RUN

ARVIN LOBERANIS

BOWEN MONTECILLO

CAPITOL BUILDING

CRISTITUTO CANETE

MERLITA ARIAS

NOGIE BIAGAN

TIRSO PAMAYBAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with