^

PSN Palaro

Sonny Alvarado magbabalik sa PBA?

-
May nasisilip na liwanag sa makulimlim na kampanya ng Tanduay Gold Rhum sa kasalukuyang eliminations ng PBA season ending Governors Cup.

May balitang posibleng magbalik aksiyon din ang kontrobersiyal na player na si Earl Williams Alvarado o mas kilalang Sonny Alvarado.

Mahigit isang taon nang wala sa sirkulasyon si Alvarado makaraang ipa-deport ng immigration bureau.

Namataang nagwo-work-out si Alvarado kasama ang isang therapist sa treatment center sa Green Meadows subdivision at maugong ang balitang malapit na rin itong makakuha ng kanyang certificate of confirmation mula sa Department of Justice.

Napatalsik ng bansa si Alvarado dahil sa pandaraya ng public documents partikular na sa kanyang birth certificate at ito ay isa nang malaking kaso laban sa kanya kahit pa siya ay totoong may dugong Pinoy o wala.

Ayon sa isang impormante, marami nang nakuhang dokumento si Alvarado na magpapatunay ng kanyang dugong Pinoy at ito ay makakatulong sa kanya para makabalik sa Philippine Basketball Association sa taong ito o kung hindi ay sa susunod na season.

Ang lahat ng koponan sa PBA ay maaaring magpalit ng line-up para sa mga local players, bago matapos ang eliminations. Sa kaso ng mga imports, maaaring magpalit ang mga teams kahit sa huling laro ng Finals.

May mga nagsasabing naririto si Alvarado dahil posible itong maglarong import para sa kanyang dating koponang Tanduay Gold Rhum na kasalukuyang makulimlim ang kampanya sa elimination ng season-ending Governors Cup.

Ito ay kung makakapasa ito sa hight limit na 6-foot-4 na si Alvarado na nakalistang 6’6.

Si Alvarado ay galing sa University of Texas na kabilang sa Division 1 NCAA. Naging top pick ito sa draft pick noong 1999 at nakuha ng Tanduay.

Sa naturang season, may 22.9 points na average si Alvarado at natalo kay Danny Seigle ng San Miguel sa labanan ng Rookie of the Year pero nakasama sa Mythical Five.

vuukle comment

ALVARADO

DANNY SEIGLE

DEPARTMENT OF JUSTICE

EARL WILLIAMS ALVARADO

GOVERNORS CUP

GREEN MEADOWS

MYTHICAL FIVE

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

PINOY

TANDUAY GOLD RHUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with