^

PSN Palaro

1st PBL Open Invitational: Welcoat vs Shark sa titulo

-
Muli na namang magtatagpo ng landas ng Welcoat Paints at Shark Energy Drink para sa titulo ng PBL Open Invitational.

Tinalo ng Paint Masters ang Spring Cooking Oil, 82-74 kahapon upang itakda ang kanilang panibagong klasikong sudden-death rubber match para sa korona ng PBL Open Invitational sa Makati Coliseum kahapon.

Ang mananalo ngayong alas-2 ng hapon sa labang ito ang siyang idedeklarang kampeon.

Humakot ang ace point guard na si Celino Cruz ng 18 puntos, 11 nito ay sa final quarter upang pigilin ang tangkang rally ng Cooking Oil Masters.

Humakot din si Cruz ng 9-rebounds bukod pa sa 5-assists at 4-steals.

Sa kabila ng kanilang kabiguan, nagpakita rin ng matinding laban ang Spring Cooking Oil ng hindi gaanong makalayo ang Welcoat sa 13 puntos sa buong 40 minuto ng laban.

Nakalapit ang Spring Cooking Oil ng walong puntos sa 70-78, 2:52 ang nalalabing oras sa laro nang kumana si Jun Dural at Ricky Ricafuente ng tres na sinuportahan naman nina Buendia at ex-PBA import Bobby Parks.

Ngunit ang dalawang sunod na turnovers ng Cooking Masters ang nagbigay daan kay Cruz at Yancy de Ocampo na ilayo ang iskor sa 82-70, 57 segundo na lamang ang oras.

Tumapos si Ocampo ng pitong puntos at 11 rebounds para suportahan si Cruz.

Hanggang sa kahuli-hulihang pagkakataon, nagbigay pa rin ng malaking banta ang Cooking Oil nang makalapit ito sa 82-74, 22 segundo na lamang sa tikada.

Pero di rin nila ito namintina ng Cooking Oil Masters matapos na sumablay ang desperadong tres ni Dural kasabay ng pagkaubos ng oras.

vuukle comment

BOBBY PARKS

CELINO CRUZ

COOKING

COOKING MASTERS

COOKING OIL

COOKING OIL MASTERS

CRUZ

HUMAKOT

OPEN INVITATIONAL

SPRING COOKING OIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with