^

PSN Palaro

PBA Commissioners Cup: Realtors at Panthers hangad ang kanilang winning streak

-
Hangad ng league leader Sta. Lucia Realty at Pop Cola Panthers na ipagpatuloy ang kani-kanilang winning streak sa kanilang magkahiwalay na laro ngayon sa pagpapatuloy ng PBA season-ending Governor’s Cup sa Araneta Coliseum.

Itataya ng Sta. Lucia ang kanilang malinis na record sa kanilang pakikipagha-rap sa Barangay Ginebra sa main-game sa dakong alas-7:10 ng gabi.

Ika-apat na sunod na panalo naman ang target ng Pop Cola sa kanilang pakikipagharap sa Shell Velocity sa pambungad na laban sa ganap na alas-5:05 ng hapon.

Tinitingala sa kasalukuyan ang Realtors dahil sa kanilang impresibong 5-0 record na nagluklok sa kanila sa pangkalahatang pamumuno.

Sumunod sa Sta. Lucia, ang pinakamainit na koponan ngayon ay ang Panthers na mayroong three-game winning streak.

Katabla na ngayon ng Pop Cola sa ikalawang puwesto ang pahinga ngayong Talk N Text Phone Pals kasunod ang Gin Kings na may 3-2 record.

Ang Turbo Chargers naman sa kabilang dako ay nag-iingat ng 2-2 win-loss slate sa likod ng 3-3 karta ng walang laro ngayong Purefoods TJ Hotdogs.

Muling babanderahan nina import Damien Owens, Marlou Aquino, Dennis Espino at rookie Paolo Mendoza ang Realtors upang panatiliing malinis ang kanilang katayuan.

Tutuntungan din ng Ginebra ang kanilang back-to-back na panalo upang mapaganda ang kanilang kasalukuyang kartada.

Naririyan sina import Mark Jones, Vergel Meneses, Jun Limpot, Mark Caguioa, Bal David, Jayjay Helterbrand at iba pa.

vuukle comment

ANG TURBO CHARGERS

ARANETA COLISEUM

BAL DAVID

BARANGAY GINEBRA

DAMIEN OWENS

DENNIS ESPINO

GIN KINGS

JAYJAY HELTERBRAND

KANILANG

POP COLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with