PBL Invitational Open: Shark, Welcoat sa semis na
October 1, 2001 | 12:00am
Kapwa nagtala ng impresibong panalo ang Shark Energy Drink at Welcoat Paints sa magkahiwalay na laban upang makasama ang Hapee Toothpaste sa semifinals ng 1st Philippine Basketball League Open Invitational sa St. Michaels gym sa Taguig.
Gumamit ang Power Boosters ng 27-2 salvo sa final canto upang walisin ang Wangs Ball Club, 71-49, habang ginapi naman ng Paint Masters ang Chopat, 91-73.
Bumandera si Gilbert Malabanan sa tinapos na 20 puntos, habang nag-dagdag si Chester Tolomia ng 16 puntos at itiklop ng Power Boosters ang kanilang kampanya sa elimination round sa malinis na 4-0 sweep.
Nagpakita rin ng laban ang Wangs nang kanilang dalhin ang laro sa dalawang palitan ng abante at tatlong ulit na pagtatabla na ang huli ay sa 42-all matapos ang jumper ni Dong Tropa, 9:14 ang nalalabing oras sa laro.
Ngunit sumagot sina Malabanan at Tolomia nang kanilang pangunahan ang 27-2 bomba katulong sina Gerard Ortega at Rico Limare upang ibigay sa Power Boosters ang 69-44 pangunguna patungong 2:22 oras ng labanan.
Nagtala naman ng double-double performance si Yancy de Ocampo nang kumamada ito ng 23 puntos at 12 rebounds upang pamunuan ang Welcoat Paints sa kanilang ikaapat na sunod na panalo.
Bunga ng kabiguan ng Wangs Ball Club, kailangan nilang dumaan sa quarterfinal round para makakuha ng gahiblang tsansa upang makasama sa six-team semifinal cast.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended