PBL Open Invitational: Baguio iniangat ang Hapee
September 30, 2001 | 12:00am
Nakakuha ng lakas ang Hapee Toothpaste mula kay Cyrus Baguio upang igupo ang Blu Detergent, 75-72 kahapon at makaseguro ng awtomatikong semifinal slot sa 1st PBL Open Invitational sa St. Michaels gym sa Taguig.
Kumana si Baguio ng 18 puntos, anim na rebounds at dalawang assists kabilang ang krusiyal na jumper sa final 21.1 segundo upang iselyo ang final tally at ihatid ang Teeth Sparklers sa ikaapat na sunod na panalo.
Bunga ng kabiguan, ikatlo sa apat na laban, kailangang ng Detergent Kings na sumailalim sa 12-team quarterfinal round bago sila makasama sa six-team semifinal phase.
Naging mahigpitan ang labanan na kinakitaan ng limang pagtatabla at anim na palitan ng abante kung saan lumayo ang Blu sa 44-40 mula sa jumper ni Egay Billiones, may 22 segundo ang nalalabi sa final quarter.
Dito nagsama ng lakas sina Junie Lopez at Niño Gelig sa 18-5 bomba upang agawin ang pangunguna sa Hapee, 58-49, 2:39 ang nalalabi sa laro.
Ngunit sumagot naman ang Detergent Kings ng 18-8 salvo sa likod nina Billiones at Marlon Legaspi upang ibalik ang trangko sa 67-66, 3:17 na lang sa tikada.
At sa sumunod na play, kumayod ng husto si Gelig nang kanyang isalpak ang dalawang free throws mula sa foul ni Edwin Bacani na siundan pa ng lay-up para sa 71-67 pagkaungos ng Hapee, may 2:20 ang oras.
Sa iba pang laro, napalawig ng Welcoat Paints ang kanilang winning streak sa tatlo nang kanilang bugbugin ang GrandTex, 116-54.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended