Nangunguna sa listahan ang athletics na siyang may pinakamaraming gintong medalyang nakuha - 8-golds bukod pa sa 11 silvers at 5 bronzes - sa nakaraang SEA Games na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Bukod pa sa athletics, ang iba pang sport na makakakuha ng higit na suporta mula sa pamahalaan ay ang archery, billiards, boxing, bowling, fencing, golf, gymnastics, shooting, swimming, taekwondo, karatedo, lawn tennis at wushu.
"Congress had recommended that these 15 events get priority in terms of government support not because of their performance in Kuala Lumpur but also in international meets," pahayag ni PSC Chairman Carlos Butch Tuason.
Itoy nangangahulugang ang ibang sport na di kasama sa listahan ay malilimitahan sa makukuhang pondo mula sa PSC.