^

PSN Palaro

Chopat nakatakas sa La Union

-
Nagbaba ng malaking rally ang Chopat sa huling pitong minuto ng labanan upang itakas ang 80-76 come-from-behind na panalo kontra sa La Union Selection kahapon sa 1st PBL Open Invitational sa Makati Coliseum.

Humakot si Noel David ng 18 puntos, kabilang ang 13 sa krusiyal na atake upang maningning na simulan ang kampan-ya ng Chopat para sa korona.

Naghabol ang Chopat mula sa siyam na puntos na pagkakahuli sa 69-60, patungong 7:34 ang nalalabing oras sa final canto.

Matapos na sumablay sa kanyang tatlong tangka sa three-point range sa unang tatlong quarters, bumawi si David at kanyang pinamunuan ang 18-7 run upang itabla ang iskor sa 76-all.

Umangat ang Chopat sa 78-76 matapos ang free throw ni Alvin Marnillo mula sa foul ni Rey Javier, patungong 9.2 segundo na lamang ang nasa laro.

At sa sumunod na laro, nakaagaw ng bola si Cristobal Villaflor mula sa ex-pro na si Bennet Palad at agad na ikinunekta ang buzzer-beating basket na siyang nagselyo ng tagumpay ng Chopat.

Humatak si Dennis Kollin ng 13 puntos, habang tumapos naman ng 10 puntos si Villaflor.

Binanderahan ni Palad ang La Union sa kanyang itinalang 12 puntos, 7-rebounds at 2-assists, habang nagdagdag sina Javier at Ortega ng 11 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Nauna rito, bumangon ang Sureshot Sports Management mula sa kanilang natamong 55-65 kabiguan sa mga kamay ng Blu Detergent matapos na pabagsakin ang Whiz Oil, 85-61.

Sa iba pang laro, ipinadama ng four-time champion Welcoat Paints ang kanilang supremidad nang kanilang hiyain ang Spring Cooking Oil, 65-54.

ALVIN MARNILLO

BENNET PALAD

BLU DETERGENT

CHOPAT

CRISTOBAL VILLAFLOR

DENNIS KOLLIN

LA UNION

LA UNION SELECTION

MAKATI COLISEUM

NOEL DAVID

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with