^

PSN Palaro

Goodbye Malaysia, Welcome Vietnam

-
Masayang maiiwan ang Malaysia sa kanilang pagho-host ng 21st Southeast Asian Games at masayang sasalubungin naman ito ng Vietnam sa 2003.

Tinanghal na overall champion ang host Malaysia sa kanilang inaning 111 gold medals na lagpas pa sa target nilang 90 golds habang inokupahan naman ng Vietnam ang fourth place overall sa naitalang 33 golds na may 3 gintong kalamangan sa Pilipinas na nagtala lamang ng 30.

Ang mga Pinoy gold medalists ng bansa ay tatanggap ng insentibong P100,000 mula sa Philippine Sports Commission ay pangungunahan ng walo sa athletics kung saan sila ang may pinakamaraming iuuwing ginto. Ang silver medalists ay mag-uuwi ng P50,000 at P25,000 sa bronze medalists. Bukod pa dito ang ibibigay na insentibo ng Malacañang.

Ang mga gold medalists sa athletics ay sina double-gold medalist runner and steeplechase Eduardo Buenavista, heptathlete Elma Muros-Posadas, marathoner Roy Vence at Christabel Martes, distance runner John Lozada, runner Ernie Candelario at decathlete Fidel Gallenero.

Kung mayroon man masaya dito ay walang iba kundi si PATAFA chief Go Teng Kok na siyang tanging NSA na nakapag-bigay ng pinakamaraming gold.

Tatanggap din ng insentibo sina cue artists Warren Kiamco, Antonio Lining at Lee Van Corteza, judoka John Baylon, taekwondo jin Nelia Ycasas, Roberto Cruz, Veronica Domingo, archer Purita Joy Marino, golfer Juvic Pagunsan, karatekas Gretchen Malalad, Jose Mari Pabillore, wushu artists Willy Wang, Mark Robert Rosales, Sanguiao Marques at Jerome Calica, fencer Walbert Mendoza, men’s basketball team, men’s bowling-team of five, men’s trios at Leonardo Rey.

Nakakalungkot isipin na kahit isang boksingero ay walang nakalusot para magbigay ng medalya, ngunit hindi kataka-taka dahil sa hindi magandang officiating na tinatanggap dito ng mga Pinoy.

Hindi lang ang mga Pinoy kundi maging ang Thais, na nakadikit lang sa ikalawang puwesto sa overall, ay nagrereklamo din sa officiating kung saan bugbog na ang Malaysian boxer ay ito pa rin ang tinanghal na winner.

Ngunit hindi ito sapat na dahilan sa kabiguang nalasap ng Pinoy.

Ito ang magiging hamon para higit na pagbu-tihin ang kanilang mga kakayahan at higit sa lahat ay mapaghandaan ang anumang magiging sagabal sa pagtungo ng SEA Games sa Vietnam sa 2003. (Ulat ni Dina Villena)

ANTONIO LINING

CHRISTABEL MARTES

DINA VILLENA

EDUARDO BUENAVISTA

ELMA MUROS-POSADAS

ERNIE CANDELARIO

FIDEL GALLENERO

GO TENG KOK

GRETCHEN MALALAD

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with