^

PSN Palaro

Isang gintong pamamaalam ni Elma

-
KUALA LUMPUR - Dahil ito na ang huling kampanya ni Elma Muros Posadas sa Southeast Asian Games, gumawa ito ng isang ginintuang pamamaalam.

Mula 1983 Singapore SEA Games, hindi pa umuuwi ang 34-gulang na si Elma na walang dalang gintong medalya.

Tulad ng dati uuwing may nakasabit na gintong medalya sa leeg si Elma matapos mamayagpag sa women’s heptathlon, isang bagay na di nito inaasahan dahil hindi ito nakapagprepara ng husto.

"Wala talaga akong ensayo sa event na ito. Kaya lang ako sumali dahil sabi ni Jojo (Posadas, ang kanyang asawa at coach) para alalayan si Percela Molina na unang sali sa hepta sa SEA Games," ani Elma.

"Hindi talaga namin pinaghandaan ang hepta. Ni wala nga kaming endurance training. ‘Yung gamit na dala nga ni Elma ay ‘yun din ang ginamit niya," sabi naman ni Jojo. "Kaya ko pinasali si Elma ay para hindi kabahan si Percela."

Ngunit imbes na magbigay ng suporta sa kanyang mga kasamahan, di akalain ni Elma na siya ang mangunguna matapos lumikom ng 5,059 puntos matapos ang 7 sport discipline.

Nakopo ni Molina ang silver sa kanyang naaning 4,687 habang si Vu Bich Hung ng Vietnam ay may 4,427 para sa bronze medal.

Ang tagumpay na ito ay ang ika-15th gold sa SEA Games ni Elma na nanguna rin sa 1997 Jakarta SEA Games sa heptathlon.

Kinumpirma na ni Elma na ito na ang kanyang huling paglalaro at sabi niya’y, "totoong-totoo na ito. Ito na ang huli kong SEA Games. Masaya na ako sa nagawa ko dito."

Ayon kay Elma, inimbitahan ito ni Philippine Sports Commission chairman Carlos ‘Butch’ Tuason na maging consultant ng naturang ahensiya upang maibahagi nito ang kanyang karanasan para sa mga atleta na nasa grassroots level.

ELMA

ELMA MUROS POSADAS

JOJO

KAYA

PERCELA MOLINA

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

SOUTHEAST ASIAN GAMES

VU BICH HUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with