^

PSN Palaro

RP marathoners humataw

-
KUALA LUMPUR - Binuksan nina Roy Vence at Christabel Martes ang magandang umaga para sa kampanya ng bansa nang kapwa mapagwagian ang gold ng Philippines men’s at women’s marathon sa huling araw ng athletics competition ng 21st Southeast Asian Games.

Ang tagumpay ay nagbigay ng magandang gising para sa Pinas kung saan naorasan si Vence ng 2 oras, 23 minuto at 51 segundo para sa gold medal na pinakinang pa ni Christabel na siyang tinanghal naman na gold medalist sa kababaihan makaraang una itong tumawid sa finish line sa tiyempong 2:52:43.

Kasunod naman ni Vence ay ang isa ring Pinoy na si Allan Ballester na may tiyempong 2:24:38 para sa silver medal at 1-2 pagtatapos ng Pinoy.

"I’am happy to win this gold. This made up for all the sacrifies I had made all this while," ani Vence na nagtapos ng third placer sa Kuala Lumpur marathon noong nakaraang Marso.

Dagdag pa dito ang sure gold men’s basketball team na kasalukuyang naglalaro kontra sa host Malaysia, ngunit inaasahan ang supremidad ng Nationals dito na may malinis na record kung saan sila rin ang defending champion.

Nakuntento na lamang sa silver medal si Arlan Lerio na yumuko sa Thai boxer na si Chotipat Wongprates, 19-9, habang bigo rin si Ramil Zambales na mapantayan ang 1 gold na pagtatapos ng Pinoy sa 1999 Brunei SEAG nang matalo ito kay Sutthisak Samaksaman sa pamamagitan ng RSC (Referee-stopped-contest).

Habang nag-aagawan ang Philippines at Vietnam sa fourth overall, ito rin ang nagiging senaryo sa pagitan ng host Malaysia at Thailand.

Muling nagtabla sa 29 golds ang Philippines at Vietnam na nakadikit lang, ang susunod na host ng biennial meet na ito sa 2003 mas maraming silvers ang Pinas na nagpakatatag sa 4th overall, nauuna naman ang Malaysia na may 98 at ang Thais ay may 93 hindi pa tapos ang boxing events kung saan lahat ng kanilang 11 boksingero ay nasa finals.

Sa kasalukuyan maaaring magbigay ng milagro ang Pinoy judokas kung saan may 3 entry pa ngayon na kasalukuyang nakikipaglaban sa Penang, habang sinusulat ang artikulong ito.

Ang mga silver medalist para sa araw na ito ay sina Edwin Simacon sa Pencak Silat, women’s pair nina Vilma Greelees at Maria Rivera sa lawn bowl, ha-bang bronze medals lamang ang naiambag nina Arnel Querimit sa 180km road race sa cycling, men’s at women’s golf team at gymnast ma Angelica Basco. Bilang pagsasara ng biennial games na ito kung saan sasalubungin naman ng Vietnam na siyang host sa 2003, magsisimula ang programa sa alas-6 ng gabi sa pamamagitan ng konsiyerto ng mga local artists dito. Magkakaroon uli ng parachutist display at ang martsa.

Masaya naman ang una at tanging double gold medalists ng bansa na si Eduardo Buenavista sa kanyang naging tagumpay sa 3,000m steeplechase at men’s 5,000m run.

"Para akong nasa ulap at para akong seven-footer ngayon," ani Buenavista, tubong Sto. Nino, South Cotabato.

Ang mga RP track gold medalists ay dumalaw kay First Gentleman Miguel Arroyo na nagbigay ng karagdagang $100 pocket money.(Ulat ni Dina Marie Villena)

ALLAN BALLESTER

ANGELICA BASCO

ARLAN LERIO

ARNEL QUERIMIT

CHOTIPAT WONGPRATES

CHRISTABEL MARTES

DINA MARIE VILLENA

GOLD

PINOY

VENCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with