^

PSN Palaro

Karangalan kay John Baylon

-
PENANG - Isang malaking karangalan para kay John Baylon na maihatid ang kauna-unahang gold medal mula sa judo para sa Philippines sa Southeast Asian Games.

Naghari si Baylon sa men’s half-middleweight division matapos igupo si Surasak ng Thailand sa finals.

Nanalo ito kontra kay Johanes Taslim ng Indonesia sa quarterfinals bago nito dinispatsa si Dinh Quoc Hung ng Vietnam sa semifinals.

Ang tagumpay na ito ay ang ikalimang gold medal ni Baylon sa naturang biennial meet.

"Siyempre, sobrang saya ko. Pinaghandaan ko talaga ito dahil gusto kong makakuha ng ginto," ani Baylon, na namuno sa 71kg. class sa 1997 Jakarta Games at sa 78kg. category sa Manila (1991), Singapore (1993) at Thailand (1995) Games.

"Lahat naman ng atleta gustong magmedalya para mabigyan ng karangalan ang Pilipinas. Isa lang ako sa mga masuwerte," wika ng 36-gulang na tubong Binalbagan, Negros Occidental.

Ang Pilipinas ay mayroon nang isang gold, at apat na bronze sa judo mula kina Rolando Dino at Alsa Marie Ano (half-heavyweight), at Sydney Schwarzkoff at Karen Solomon (middleweight).

Nakatakdang mapalaban sina Aristotle Lucero, Melvin Magala, Abraham Pulia, Almarie Malasan at Nancy Quillotes.

"Si John talaga ang pambato natin dito at nagpapasalamat tayo sa Diyos dahil sa nakalimang sunod na siya," sabi ni National coach Enrico Estanislao. "As long as the athletes give their best out there, we have a very good chance," dagdag pa ng da-ting National athelete.

Si Baylon ay nagsanay sa Kodokan Judo Institute sa Tokyo, Japan mula pa noong 1985 at sumali sa National team noong 1998. Nang sumunod na taon ay lumahok ito sa ASEAN Cup sa Kuala Lumpur kung saan naka-gold ito sa 86kg. at open division.

Nagbulsa rin ito ng gold mula sa Open weight category sa Kodokan Foreign Trainees Championships noong 1993 at 1996. Noong 1998, nanalo ito ng silver sa 73kg. sa Vietnam International Judo Championships at silver sa open division ng Osaka International Goodwill Judo Championships.

Noong nakaraang taon, nabigo itong makasama sa Sydney Olympics Games ngu-nit nakarating ito sa ikalawang round sa 1992 Barcelona Games at 1998 Seoul Games.

Ang judo ay di kasama sa 1999 Brunei Sea Games. Nanalo ang Philippines ng 2-golds, 5 silvers at 6 bronzes sa Jakarta habang ang iba pang records ay 2-4-4 (Chiang Mai, 3-2-8 (Singapore) at 2-3-5 (Manila).

vuukle comment

ABRAHAM PULIA

ALMARIE MALASAN

ALSA MARIE ANO

ANG PILIPINAS

ARISTOTLE LUCERO

BARCELONA GAMES

BAYLON

BRUNEI SEA GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with