Laban ng RP judokas alay kay Jerry Dino
September 11, 2001 | 12:00am
Inihahandog ng Filipino judokas ang kani-kanilang performance sa 21st Southeast Asian Games sa dati nilang teammate na si Jerry Dino na sumakabilang buhay na matapos na atakihin sa puso noong nakaraang Biyernes makaraang bisitahin ang mga atleta sa Rizal Memorial Sports Complex.
Ang 36-anyos na si Dino, nagsagawa ng kanyang national team debut sa 1985 Bangkok SEA Games na ngayon ay nagpapatakbo ng isang T-shirt printing business sa Baguio City ay bumaba ng Manila upang magbigay sa mga atletang tutungo sa SEAG ng complimentery T-shirts.
"Do your best out there and make the Philippines proud. Dedicate your medals to Jerry," ani judo chief Rey Jaylo sa RP team members nang kanyang makaharap ang mga atleta noong Linggo ng gabi sa Penang Airport.
"Nakakalungkot nga. Dumaan lang siya para magbigay ng mga T-shirts pagkatapos sumali sandali sa practice. Hindi namin akalain na doon siya aatakihin," malungkot na pahayag ng national coach na si Enrico Estanislao sa pagkamatay ng kanyang dating national teammate. "Kaya sabi ko sa mga bata, pukpok ang lahat ng laban, alang-alang kay Jerry."
Kinukunsidera rin ni Estanislao na makakakuha rin ng medalya ang pamangkin ni Jerry na si Rolan.
Pero mas malaki ang tsansa ng beterano at four-time SEA Games champion na si John Baylon.
"John has the best record in the team and I know he also wants to win his fifth gold," dagdag pa ni Estanislao na umaasam na hindi bababa sa apat na ginto ang maiuuwi ng kanyang tropa.
Kabilang din sa koponan ang 1997 Jakarta SEA Games silver medalist Aristotle Lucero, 1999 Brunei Games gold medal winner Abraham Pulia at national titlists Melvin Magata at Sydney Schwarzkof.
Makakaharap ni Schwarzkof ang mahusay na si Indonesian Bayu Krishna, isang four-time SEA Games champion sa +90-kilo division, habang mapapasabak naman si Dino sa defending champion Kampita Pitak ng Thailand sa +100 category.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended