^

PSN Palaro

Bida naman ang wushu

-
Pumukaw ng pansin ang wushu sa 21st Southeast Asian Gmes nang kanilang ihatid ang dalawang gintong medalya para sa Philippines mula sa kanilang kampanya sa International Sports Arena indoor stadium dito.

Nagbulsa sina Willie Wang, ang 1999 Hong Kong world championship sword silver medalist at Mark Robert Rosales, nanalo sa world championships sa Italy noong 1997, ng tig-isang gold medal sa spearply (quiangshu) at Cudgelplay (gunshu) ayon sa pagkakasunod.

Si Wang ay tumapos ng 9.33 puntos, ang parehong iskor na naitala ni Oh Poo Soon ng Malaysia kaya’t parehong idineklarang gold winners habang ang isa pang Malaysian na si Lim Yew Fai, ay nagkasya lamang sa bronze sa kanyang naitalang 9.15 puntos.

Nagposte din si Rosales ng 9.33 puntos upang talunin ang Malaysian na si Lim Kim na pumangalawa sa kanyang 9.31 puntos habang si U Pyi Wai Phye na may 9.26 puntos ay ikatlo.

"I did my best. It’s an honor for me to be part of the RP team and I want to give back the honor to the country," ani Wang, na naka-bronze din sa sword event noong Linggo.

Masaya naman si Rosales na nanalo ng tatlong medalya sa 1998 Bangkok Asian Games dahil nakapag-ambag siya para sa kampanya ng kanyang koponan dito.

"I was up against tough rival, but I gave everything I had," aniya.

Si Arvin Ting, nasa fifth grade sa Philippine Cultural High School ay ang pinakabata sa koponan sa kanyang edad na 13, ay tumapos bi-lang ikalima sa cudgelplay.

Kumopo ito ng bronze medal sa broadsword noong Linggo.

Nasiyahan naman si Janice Hung, isang Commerce junior sa UST na siya ring Wushu Federation president, sa ipinakita ng kanyang tropa.

"We’re proud of you," sabi naman ni Camacho "Keep up the good work and win more medals, You can do it."

vuukle comment

BANGKOK ASIAN GAMES

HONG KONG

INTERNATIONAL SPORTS ARENA

JANICE HUNG

LIM KIM

LIM YEW FAI

LINGGO

MARK ROBERT ROSALES

OH POO SOON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with