21st SEA Games:RP chessers diniskaril ng Vietnam
September 10, 2001 | 12:00am
KUALA LUMPUR - Naungusan ng Vietnam ang Philippines, 2.5-1.5 noong Sabado upang makopo ang team honors sa First Southeast Asian chess championship sa Mad Valley Exhibition center dito.
"Sayang. Tinalo pa naman namin sila (Vietnamese) sa eliminations, pahayag ni Grandmaster Joey Antonio, na humakot ng tatlong puntos makaraang maipanalo ang tatlo sa kanyang apat na laro sa board 1.
Nagtala rin si International Master Ildefonso Datu ng tatlong puntos sa board 2, habang bumandera naman si FM Rolando Nolte sa Filipinos sa pagposte ng 4.5 puntos mula sa maximum na 5 sa board three.
Tumapos ng ikatlong puntos si Richard Bitoon sa board four, habang nakalikom lamang ng isang puntos si International Master Nelson Mariano. Si IM Ronald Bancod ang siyang team captain ng koponan.
Magbubukas ang individual competitions ngayon at magtatapos sa Miyerkules.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended