Tinawag ni Puyat na Black Sunday for sportsmanship, sovereignty and justice ang pinangasiwaang eleksiyon ni FIBA deputy secretary-general Patrick Baumann noong Linggo sa Sheraton Hotel.
Nangako si Puyat na ipaglalaban niya ang kanyang grupo na kinilala naman ng Court of Appeals matapos ibasura ang mga isinampang kaso ni Literal at pagbibigay ng awtoridad sa POC na umayos sa kaguluhan sa mga miyembro ikinalungkot ni Puyat ang naging desisyon ng FIBA na ituloy ang eleksiyon sa likod ng kanilang pagpapaliwanag na di na ito kailangan dahil nakapagdesisyon na ang Court of Appeals at sinabi nitong sarado ang isipan ng FIBA dahil hindi pinakinggan ang kanilang kampo.
"It was predictable. We know they have already closed their minds when they came here. I did not attend the proceedings because we felt my presence would have legitimize their action. It was a Black Sunday for sportsmanship, sovereignty and justice," ani Puyat.
Sa naturang eleksiyon kung saan kumatawan sa grupo ni Puyat si ABC secretary-general Moying Martelino, ibinigay ng 22 sa 31 botante ang kanilang suporta kay Literal.
"We cannot surrender our sovereignty to the FIBA because the BAP issue should have been solved as an internal matter. The countrys second highest court has spoken in our favor. President Arroyo has called on all parties to respect the rules of law, the POC has never wavered in recognizing us as the legitimate BAP because we never prostituted our organizational by-laws and the countrys constitution. And yet, here come FIBA giving its sanction to the group that was illegal right from the start," ani Puyat.
Sinabi ni Puyat na batid nilang hindi na papakinggan ang kanilang partido bagamat sinabi ng FIBA na pakikinggan ang magkabilang panig bago magsagawa ng desisyon. What happened was they decided to call for the election at once," wika pa ni Puyat.
Kasabay ng pagkilala kay Literal ay inalis na rin ng FIBA ang suspensiyon sa BAP kayat maaari nang makalahok ang bansa sa Souhteast Asian Games na gaganapin sa Sept. 7-18 sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Ngunit dahil hindi pa rin natatapos ang lahat ng kaguluhan sa likod ng desisyon ng FIBA, siguradong magkakagulo pa rin kung sino ang ipapadalang koponan para sa pagtatanggol ng 11-taon nang hawak na titulo ng Philippine sa basketball competition ng biennial meet.