^

PSN Palaro

77th NCAA Basketball: Blazers nakaganti sa Cardina

-
Kumawala ang defending champion College of St. Benilde sa final half upang maipalasap ang kanilang paghihiganti sa Mapua Institute of Technology sa pamamagitan ng 70-61 panalo at palakasin ang kanilang kampanya para sa Final Four ng 77th NCAA men’s basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.

Isinalba ni Jon-Dan Salvador ang kampanya ng Blazers nang pangu-nahan nito ang opensa sa pagkana ng 14 puntos, bukod pa ang 10 rebounds at dalawang assists, bago nakakuha rin siya ng malaking suporta mula kay Sunday Salvacion na tumapos ng 13 puntos na kinabibilangan ng dalawang tres at anim na rebounds upang ihatid ang Blazers sa ikaapat na puwesto matapos ang kanilang ikalimang panalo sa 10 games.

Kontrolado ng St. Benilde ang tempo kung saan huling lumamang ang Mapua sa 44-43 .

Ang tagumpay ng Blazers ay dinuplika ng kanilang junior counterpart na Greenhills Blazers nang kanilang pabagsakin ang Red Robins, 69-67. (Ulat ni Maribeth Repizo)

COLLEGE OF ST. BENILDE

FINAL FOUR

GREENHILLS BLAZERS

JON-DAN SALVADOR

MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLOGY

MARIBETH REPIZO

RED ROBINS

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

ST. BENILDE

SUNDAY SALVACION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with