Lamang sa 4-0 sa second inning, nagbabanta ang Filipinos na makapagtala ng isa pang panibagong upset na panalo kontra sa Japanese, ngunit biglang bumuhos ang malakas na ulan sa buong paligid ng Subic Bay metropolitan Authority (SBMA) baseball grounds na dahilan upang maging maputik ito at di na puwedeng paglaruan kung kayat muling natigil ang laro sa first Pan-Pacific Junior baseball championship.
Sariwa pa sa 3-2 tagumpay kontra Japan sa huling ikutan ng elimination round match ng event na ito na inorganisa ng Philippine Pony Baseball/Softball Association, pumagitna ang RP-nine na buo ang kumpiyansa at agad na nagpamalas si Sandy Cirillo ng no-hitter sa first inning.
Ito ang dahilan kung kayat agad na naikamada ng host team ang anim na sunod na hits na tinampukan ng dalawang RBIs (Runs-Batted-In) na pinagtulungan nina Rico Vinuya at Edgardo Cruz sa first frame na siyang naghatid sa RP ng 4-0 kalamangan, bago nagsi-mulang bumuhos ang ulan.
Nauna rito, tinalo ng Chinese-Taipei ang Singapore, 3-0 upang ipalasap dito ang kanilang 0-3 pagtatapos sa elimination round.
Bagamat na-postponed ang sagupaan sa semis round, marami ang nagsasabi na maipoposte ng Taiwanese ang isa pang panibagong panalo na maghahatid sa kanila sa finals upang harapin ang mana-nalo sa pagitan ng RP-Japan na nakatakdang ipagpatuloy ang laban ngayong alas-8 ng umaga.
Samantala, kinumpleto naman ng Pampangas Guagua team ang kanilang three-game sweep sa pama-magitan ng 11-1 tagumpay kontra sa Woodrose School sa Alabang upang ibulsa ang SBMA Chairmans Cup girls softball crown sa Remy Field dito.