Letran naungusan ng Adamson
August 28, 2001 | 12:00am
Naungusan ng Adamson University ang Colegio de San Juan de Letran sa tie break point ng 1.5 game point upang maghari sa katatapos lamang na Philippine Chess Society Inter-Collegiate Team Tournament na ginanap sa Philippine Chess Center sa Quezon City.
Nagtabla ang Adamson Team B at Letran na may 4 puntos bawat isa ngunit ang Falcons ay nagtala ng 15.5 aggregate points matapos ang limang rounds habang ang Knights ay tumapos lamang ng 13 game-points.
Nagbigay ng mahusay na performance para sa Falcons sina Jonathan Bayron, Vergel Yabut, Samivin de los Santos, Jackson Badon. Ang kanilang strategists na si Cris Rodriguez, sa kabilang dako ay naibulsa ng best coach award.
Pumangatlo naman ang Philippine Christian University-Dasmariñas sa kanilang naitalang 3.5 puntos.
Samantala, magsisimula naman ang September edition ng executive Chess Days sa naturang venue sa Sabado.
Kabilang sa mga inaasahang makibahagi sa torneong ito ay sina Atty. Quirino Sagario, Jenny Mayor, Gary Legas-pi, Elpidio Jayagan, Ricky Navalta, Neil Dumlao at Rommel Tacorda.
Ang mga interesado ay maaaring tumawag sa 929-3583 mula ala-una hanggang alas-6:00 ng gabi.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am