Ang nasabing bagong bonus para sa gold medalists ay itinaas ng mahigit sa 30 percent mula sa dating P75,000 na ipinagkaloob ng bansa sa mga event winners noong nakaraang SEA Games sa Brunei, Darussalam, dalawang taon na ang nakakaraan.
Tatanggap naman ang silver winners ng hindi bababa sa P50,000, habang ang bronze medal incentive at mananatiling P25,000.
Ang nasabing insentibo ay mas malaki sa iba pang incentives na ibibi-gay ng mga private sector at iba pang government agencies.
"We thought it best to raise the cash reward to whatever we can afford and hopefully, this will encourage our athletes to really go for gold in Malaysia," ani Philippine Sports Commission chairman Carlos Tuason kahapon.
Ayon kay Philippine Sports Commissioner Richie Garcia, co-chair ng pinagsamang SEA Games Task Force na ang bagong insentibo para sa gold medal ay sapat lamang sa magandang performance ng atleta. Sinabi pa ni Garcia, na patuloy ang PSC sa pakiki-pagkoordinasyon sa Task Force at sa ibat ibang National Sports Associations (NSAs) para sa kanilang final na preparasyon ng atleta.
At ngayong linggo, gumastos na ang PSC ng mahigit sa P30 milyon para sa mga equipment ng SEA Games standard bearers. At halos 98% na ng mga equipment, ayon kay Garcia ay nai-deliver na sa ibat ibang SEA Games participants.
Pansamantalang na-delayed ang pagre-release ng nalalabing equipment sanhi ng pagpapalit ng supplier ng NSAs at PSC upang maseguro ang highest standards ng mga equipment para sa top-level competitions.
Optimistiko pa rin si Garcia na malalampasan ang 19 golds na napagwagian ng bansa sa Brunei Games.