3 gold hangad na makuha ng RP boxing sa KL SEA Gam
August 25, 2001 | 12:00am
Hindi bababa sa tatlong ginto ang makukuha ng National boxing team sa nalalapit na Kuala Lumpur Southeast Asian Games ngayong Setyembre.
Ito ang naging prediksiyon ng National boxing head coach Gregorio Caliwan at maging ng kanyang mga assistants na sina Boy Velasco at Patricio Gaspi.
Ayon kay Caliwan, hindi niya nais na ang kanyang koponan ay ma-pressure sa mga mabibigat na prediksiyon, gayunman gagawin ng 11-man boxing team ang kanilang makakaya upang ibigay sa bansa ang pinakamagandang kampanya nito sa biennial meet na ito.
"Kaya ko naman nasabing three golds ay para hindi gaanong pressured yung mga bata. Isa pa, were eyeing a modest improvement from the two-gold harvest in the last SEA Games," paliwanag ni Caliwan.
Sinabi pa ni Velasco na ang kanyang koponan ay pinaghalong mga boksingero mula sa Manila at Baguio City at ngayon ay nasa magandang kundisyon na para sa kanilang preparasyon sa biennial meet.
"Theyre in top condition at talagang ready na for the SEA Games. Hopefully, we could deliver more than what we predicted. Kung me dayaan man doon, we have to play beyond that by earning more points as possible from the five judges," pahayag pa ni Velasco na nagsabing magbabalik na ang kanyang nakababatang kapatid na si Mansueto sa training bilang preparasyon nito sa Asian Games.
"Babalik daw siya sa training para malaman na niya kung kaya niyang humirit," aniya pa.
Matatandaan na si Onyok ay pansamantalang nagpahinga sa boxing matapos na iuwi ang nag-iisang silver medal sa 1996 Atlanta Olympics Games at sumabak na lamang sa pag-aartista.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am