Titulo kukunin na ba ng Red Bull o tatabla ang San
August 24, 2001 | 12:00am
Nasa mga kamay na ngayon ng Batang Red Bull ang pagkakataong wakasan ang dinastiyang naitatag ng San Miguel Beer sa Philippine Basketball Association at mailista ang isang kasaysayan.
Nanganganib hindi lamang ang iniingatang titulo sa Commissioners Cup kundi pati na rin ang pangarap ng San Miguel na ikalawang Grand Slam title matapos pagharian ang nakaraang All-Filipino Cup.
Hangad ngayon ng Red Bull Thunder na maagaw ang titulo sa SMBeer sa pagsambulat ngayon ng siguradong maaksiyon at matensiyong Game Six sa tiyak na mapupunong Araneta Coliseum sa ganap na alas-7:15 ng gabi.
Hawak ng Red Bull ang 3-2 kalamangan sa best-of-seven championship series matapos itakas ang 79-77 panalo sa Game Five na tumagpas sa 2-2 pagtatabla ng serye.
Dahil dito, obligado ang San Miguel na ipanalo ang laro ngayon upang maipuwersa ang do-or-die na Game-7 para sa kanilang layuning maisukbit ang ikalawang titulo sa season na ito na magbibigay sa kanila ng pagkakataon sa Grand Slam.
Tulad ng mga nakaraang laro, siguradong muling magiging maten-siyon ang laro gayundin pagkatapos ng laro.
Gaya na lamang noong Game Five na bagamat walang matinding girian sa loob ng court, nagkaroon ng komosyon sa pagpasok ng mga players sa kani-kanilang dug-out at nagkainitan din ang mga fans ng San Miguel at mga Sexy Bull na naging sanhi ng komosyon sa hallway ng Big Dome.
Ipinatawag sina Jay Mendoza at Antonio Lang ng Red Bull. Gayundin sina Danny Ildefonso at Nate Johnson na kapwa may malaking papel sa naganap na kaguluhan, sa Commissioners office upang magbigay ng paliwanag.
Habang sinusulat ang balitang ito, ay hindi pa natutukoy ang halagang imumulta ng mga mapaparusahan.
"This game will be our best chance and we dont want to make it on Game 7," pahayag ni Red Bull coach Yeng Guiao. "We want to get it over and done with."
Nalimitahan sa apat na puntos lamang si Best Import Antonio Lang sa nakaraang laro, ngunit kumpiyansa pa rin si Guiao sa kanyang import gayundin sa mga locals na pumuno sa di naibigay ni Lang.
"At some point, the locals will have to cover for him (Lang). Tony Lang covered for us the whole conference. Its always good to have Tony Lang on the court." (Ulat ni Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest