^

PSN Palaro

RP-5 bagsak sa Koreans sa 24th Williiam Jones Cup

-
KAOHSIUNG County, Taiwan -- Hindi nagawang lusutan ng Philippine team ang eksplosibong opensa ng Korea at yumukod ang Nationals sa iskor na 97-88 na bahagyang nagpakulimlim ng kanilang kampanya sa 24th Jones Cup na ginaganap sa Feng Sheng Stadium dito noong Martes ng gabi.

Unang umarangkada ang Filipinos sa first half kung saan lumayo sila ng 12 puntos, 25-13, ngunit unti-unti itong naupos pagdating ng second half nang manalasa ang Koreans hotshots na sina Young Pil-Yoon at Kyung Suk-Jin.

Nagtulong ang dalawa sa 18-3 bomba na naghatid sa Korea sa 78-60 pangunguna.

Nagsama ng lakas sina Young at Kyung sa itinalang 54 puntos na tinampukan ng siyam na triples upang ipagkaloob sa Korea ang kanilang ikalimang sunod na tagumpay sa 10-day tournament na ito na ginaganap bilang pagbibigay parangal sa kauna-unahang FIBA secretary general.

Ito naman ang ikalawang pagkatalong natikman ng Nationals matapos ang kanilang limang laro.

Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang nakikipaglaban ang Philippines sa Honduras.

Korea 97--Pil Yoon 27, Suk Jin 27, Yup Hyun 10, Wan Son 10, In Hwang 9, Suk Jun 5, Hoon Kim 5, II Pyo 4, Rok Kim 0, Joo Moon 0, Kwon Lee 0, Jin Park 0.

TP 88--Flowers 27, Clay 21, De Ocampo 10, Melencio 9, Simon 6, Nicdao 6, Regidor 4, Barbosa 3, Menor 2, Garcia 0, Domingo 0, Tiongco 0.

Halftime: 82-65.

DE OCAMPO

FENG SHENG STADIUM

HOON KIM

IN HWANG

JIN PARK

JONES CUP

JOO MOON

KWON LEE

KYUNG SUK-JIN

PIL YOON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with