11 Pinoy athletes sali sa World Games at Universiade

Labing-isang atleta ang lalaban para sa karangalan sa dalawang magkahiwalay na international events--ang sixth World Games sa Japan at ang 21st Univer-siade sa Beijing, China.

Lima sa nasabing atleta sina snooker bet Marlon Manalo, bowlers Chester King at Cecilia Yap at dance-sport performers Belinda Adora at Janice Marquez ang sasabak sa World Games.

Ang iba pang atleta sina judokas Gilbert Ramirez at Vida Mia Valverde at fencers Jose Carlos Coruna, Manolo Gonzales, Earl Michael Arcilla at Allen Tacang ay magpapakita naman ng aksiyon sa Universiade.

Pangungunahan ni dancesport’s Glo Alcala ang World Games delegation, habang sina Philippine Olympic Committee auditor at gymnastics president Noel Buenaventura at judo president Capt. Rey Jaylo ang chief de mission at deputy delegation head, ayon sa pagkakasunod sa Beijing Universiade.

Ang iba pang officials na kasama ng dalawang grupo ay sina Nena Yap at Johnson Cheng, team manager at head coach, ayon sa pagkakasunod, bowling Nick Cabalza, powerlifting technical official at Walter Francis Torres, fencing head.

Lalahok si Manalo, ang kasalukuyang Asian snooker champion sa Akita, Japan sa Agosto 22-26, habang ang mga bowlers na sina Yap at King ay lalaro sa Narita sa Agosto 21-23, ipamamalas naman nina dancers Adora at Marquez ang kanilang husay sa Narita sa Agosto 25-26.

Sisimulan nina judokas Ramirez (73 kilograms) at Valverde (-52 kg) at fencers Coruna (men’s sabre), Gonzales (men’s epee), Arcilla (individual foil at team events) at Tacang (individual foil at team events) ang kanilang kampanya sa Agosto 23.

Ang partisipasyon na ito ng bansa sa World Games at Universiade ay sanctioned ng Philippine Olympic Committee.

Unang humiling ang POC sa UAAP at NCAA na magpadala ng kani-kanilang atleta sa Universiade, subalit tumanggi ang dalawang grupo.

Show comments