^

PSN Palaro

Asian Badminton Championships sa PhilSports

-
Muling ni-renew ng JVC, ang world’s top audio-visual at multi-media product provider ang kanilang commitment upang magtaguyod ng global at local sports sa pagdaraos ng $150,000 JVC Asian Badminton Championships na nakatakda sa Agosto 22-26 sa PhilSports Arena.

Ito ang ikalimang sunod na taon na ang Japanese electronic giant ang siyang magiging chief backer ng premier badminton event sa region hindi lang para i-promote at i-develope ang sport kungdi upang mabigyan ang mga Asian players ng venue na maipamalas ang kani-kanilang talento at kakayahan.

At sa susunod na linggo, makakasaksi ang mga local fans ng world class badminton kung saan maglalaban-laban ang mga mahuhusay na manlalaro ng rehiyon para sa karangalan ng limang divisions ito’y ang men’s at ladies singles, men’s at ladies doubles at mixed doubles.

Nakataya sa men’s singles ang $11,000 habang $7,500 naman sa kampeon para sa distaff side. May nakalaan naman sa men’s doubles na $13,000 at sa ladies doubles at mixed doubles ay tig-$7,500 sa kampeon.

Aabot sa 250 manlalaro mula sa 19 bansa ang magpapakita ng aksiyon sa event na ito.

Ang mga kalahok ay pangungunahan nina No. 1 doubles team Gao Ling at Huang Sui ng China at Sydney Olympics men’s double gold medalists Tony Gunawan at Halim Haryanto ng Indonesia.

AABOT

AGOSTO

ASIAN BADMINTON CHAMPIONSHIPS

DOUBLES

GAO LING

HALIM HARYANTO

HUANG SUI

SYDNEY OLYMPICS

TONY GUNAWAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with